MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III noong Biyernes na hindi kailangan ng senators at mga empleyado ng Senado ng travel authority para sa kanilang personal na biyahe.
Ito ay tugon niya sa ulat na hinihiling ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na huwag bigyan ng travel authority si Senator Jinggoy Estrada.
Ani Sotto sa kanyang pahayag, “members of the Senate and officials of the legislative department are not required to obtain a travel authority for personal travel.”
Binigyang-diin niya ang Senate Policy Order No. 2016-003 (OSP) Series of 2016, na nagsasaad na ang travel authority ay para lamang sa opisyal na biyahe at nangangailangan ng aprubal mula sa Senate President.
Dagdag pa niya, ayon sa Bureau of Immigration Letter Directive No. JHM 2016-040 noong Hulyo 20, 2016, hindi rin sakop ng Executive Order No. 459 ang mga opisyal at empleyado ng legislative department, judicial department, at constitutional commissions and bodies.
“Ang requirement ng travel authority para sa opisyal at empleyado ay susundin ayon sa kani-kanilang patakaran. Dapat malaman ng mga korte na hindi rin sakop ng EO 459 ang mga miyembro ng Hudikatura,” aniya. RNT/MND