Home NATIONWIDE Sen. Bato maaaring iligtas si FPRD sa ICC – Sereno

Sen. Bato maaaring iligtas si FPRD sa ICC – Sereno

190
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong Biyernes na maaaring akuin ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang pananagutan sa umano’y crimes against humanity sa anti-drug campaign na kanyang pinamunuan para iligtas si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang hinahawakan ng International Criminal Court (ICC).

“He can be a witness for, if he is credible at maganda yung paliwanan niya, the president, the former president will be free,” saad ni Sereno

“If he loves the president so much, he should just accept all the responsibility onto himself.” dagdag niya.

Si Dela Rosa ay dating Philippine National Police chief sa unang bahagi ng administrasyon ni Duterte at pangunahing nagpapatupad ng marahas na war on drugs.

Ayon kay Sereno, dapat pagnilayan ni Dela Rosa kung nagdala ba ng tamang resulta ang kanyang tungkulin:

“Kasi mukhang hindi, di ba? Hindi naman nasugpo ang droga, pansamantala lang ang epekto ng takot.”

Kinilala ng gobyerno ang pagkamatay ng mahigit 7,000 “drug personalities” sa operasyon ng war on drugs, habang sinasabi ng mga human rights advocates na umabot sa 12,000 ang biktima ng extrajudicial killings, dagdag pa rito ang pinatay ng diumano’y pribadong militar ni Duterte, ang Davao Death Squad.

Ani Sereno, “flouting the law and destroying all the legal mechanisms is the worst way to show that a leader can take care of the Filipino people.”

Mula nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nag-isyu ng warrant of arrest ang ICC para kay Dela Rosa, hindi pa ito sumipot sa Senado.

Ayon sa Department of Justice at Department of Interior and Local Government, wala silang kumpirmadong impormasyon kung umiiral nga ang warrant.

Humiling si Dela Rosa ng temporary restraining order laban sa implementasyon ng hindi pa nakumpirmang warrant, ngunit ito ay tinanggihan ng Korte Suprema. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here