Home HOME BANNER STORY Purisima, 16 iba pa, pinawalang sala ng Sandiganbayan

Purisima, 16 iba pa, pinawalang sala ng Sandiganbayan

199
0

MANILA, Philippines – Pinalaya ng Sandiganbayan si dating PNP chief Alan Purisima at 16 iba pa sa kasong graft kaugnay ng anomalya sa kontrata ng Werfast Documentation Agency, Inc. noong 2011.

Ayon sa Ika-Anim na Dibisyon ng Sandiganbayan na pinamumunuan ni Justice Sarah Fernandez, hindi napatunayan ng prosekusyon ang kanilang kasalanan nang lampas sa makatwirang pagdududa. Walang ipinataw na civil liability at tinanggal na rin ang hold-departure orders sa kanila.

Batay sa imbestigasyon ng Ombudsman, kumuha ang PNP ng serbisyo ng Werfast para maghatid ng firearms license cards sa mga rehistradong may-ari ng baril sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement noong Mayo 2011 kahit walang track record ang kumpanya bilang courier service. Napag-alaman din na hindi ginawa ang public bidding para sa kontrata.

Dagdag pa rito, nalaman na kumita si Werfast ng P190 kada delivery sa Metro Manila, samantalang ang ibang courier service providers ay naniningil lamang ng P90 para sa parehong lugar.

Kasama sa mga akusado ang dating PNP officials na sina Napoleon Estilles, Gil Meneses, Raul Petrasanta, Allan ParreƱo, Eduardo Acierto, Melchor Reyes, Lenbell Fabia, Sonia Calixto, Nelson Bautista, Ford Tuazon, at Ricardo Zapata Jr., pati na rin ang mga incorporators ng Werfast na sina Mario Juan, Salud Bautista, Enrique Valerio, Lorna Perena, at Juliana Pasia. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here