MANILA, Philippines – Nakahanda na ang Department of Health sa posibleng epekto ng bagyong Wilma sa bansa.
Sa anunsyo ng DOH, itinaas na ang Code White Alert bilang paghahanda para sa inaasahang pagtama ng bagyo sa bansa partikular sa Eastern Visayas o Dinagat Islands.
Ayon sa DOH nakahanda na ang mga sumusunod lalo na sa mga maaapektuhang rehiyon:
–Gamot gaya ng doxycycline, gamot sa ubo at lagnat, at mga maintenance medicine
–Medical equipment gaya ng mga oxygen tank at mga hospital bed sa mga tent
–Health Emergency Response Teams
Patuloy rin ang 24/7 monitoring ng DOH Operations Center para sa mabilis na aksyon at koordinasyon sa mga maaapektuhang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden