Home NATIONWIDE Walang bagong regulasyon vs imported cars, modifications, tire age – LTO chief

Walang bagong regulasyon vs imported cars, modifications, tire age – LTO chief

314
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao nitong Sabado, Disyembre 6 ang mga balitang kumakalat sa social media na magpapatupad ang ahensya ng serye ng mga bagong regulasyon laban sa imported cars, illegal modifications, at tire age.

“The LTO clarifies that these claims are ‘not true.’ No such directive, policy, or memo had been issued,” ani Lacanilao.

Nag-isyu si Lacanilao ng pahayag kasunod ng usap-usapan na magsisimula na ang LTO at Highway Patrol Group (HPG) na parahin ang mga imported, project at exotic cars para inspeksyunin ang lahat ng importation at tax documents; at magsasagawa ang mga awtoridad ng “cross-check engine numbers” at pagmumultahin ang mga “illegal modifications” katulad ng malalakas na exhaust.

Nagkaroon din aniya ng mga maling balita na mag-iisyu umano si Lacanilao ng memo na nag-aatas sa HPG na tiketan ang mga sasakyan na may mga gulong na mas matanda sa limang taon at tinawag ang mga itong “not roadworthy.”

“For accurate updates, follow the LTO official website and social media pages,” sinabi ni Lacanilao. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here