Home NATIONWIDE 2 empleyado ng LTO, sekyu sibak sa panunuhol

2 empleyado ng LTO, sekyu sibak sa panunuhol

200
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Markus Lacanilao ang pagsibak at paghahain ng nararapat na kaso laban sa dalawang empleyado ng ahensya kasama ang isang security guard kasunod ng mga reklamong natanggap mula sa mga drayber ng jeepney at mga operator.

Sa pahayag, sinabi ni Lacanilao na ang mga complainant ay personal na bumisita sa kanyang opisina noong Disyembre 5, ay nagsabing na-impound ang kanilang mga sasakyan dahil sa paglabag sa batas-trapik at kinailangang dumalo sila ng personal sa mga seminar at kaukulang pagsusulit sa Traffic Safety Division ng LTO upang mailabas nila ang kanilang mga jeepney.

Sa kabila nito, sinabi ng LTO chief na dalawang empleyado umano ang nagsabi sa mga drayber at operator ng sangkot na jeepney na maaari na silang hindi dumalo sa mga seminar at makakapasa na sa pagsusulit kapalit ng tig-P1,000.

Ani Lacanilao, positibong kinilala ng mga complainant ang tiwaling tauhan at agad na ipinag-utos sa Intelligence and Investigation Division ng ahensya na imbestigahan ito at sampahan ng kaukulang reklamo.

“Why are you so brazen in doing this? You know when I was appointed LTO chief, I had a seven-point program [against corruption]. Now, you are fired from the LTO, and you will be charged criminally for this,” sinabi ni Lacanilao.

“We are reforming and changing the image of the agency, and yet you people still persist in your illegal activities,” dagdag ng opisyal.

Nauna nang nangako ang LTO chief na tutugisin ang mga empleyado at opisyal na nasa likod ng mga iregularidad at “horrific scams” sa mga mamamayan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here