Home NATIONWIDE 11 patay sa mass shooting sa bar sa South AfricaNATIONWIDETOP STORIESWORLD 11 patay sa mass shooting sa bar sa South AfricaDecember 7, 2025 12:202840 FacebookTwitterPinterestWhatsApp SOUTH AFRICA – Patay ang 11 katao kabilang ang tatlong bata sa mass shooting sa isang bar sa South Africa.Mayroon naman na 14 katao ang sugatan na dinala sa ospital matapos tamaan ng bala.Hindi na nagbigay ng detalye ang pulisya kung ano-ano ang mga edad ng mga sugatan.Nangyari ang pamamaril sa hindi lisensyadong bar sa Saulsville township malapit sa Pretoria nitong Sabado, Disyembre 6.Kabilang sa nasawi ang bata edad tatlong taon, 12-anyos na batang lalaki at 16-anyos na batang babae.Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa pamamaril. RNT/JGC