Home NATIONWIDE Desisyon ng SC sa pagbabalik ng P60B pondo ng Philhealth kinikilala ni...

Desisyon ng SC sa pagbabalik ng P60B pondo ng Philhealth kinikilala ni VP Sara

277
0

MANILA, Philippines – Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ng Korte Suprema na nag-aatas sa pamahalaan na ibalik ang P60 bilyong “excess” fund ng Philippine Health Insurance Corporation na inilipat sa national treasury noong 2024.

“The Supreme Court is the final arbiter of legal cases in our country. And if they say that it is unconstitutional, then it is, then it should be returned,” pahayag ni Duterte sa ambush interview sa The Hague, nitong Biyernes, Disyembre 5.

Sinabi ni Duterte na kabilang ito sa mga isyung pinag-usapan nila ng ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita nito sa International Criminal Court detention center sa The Hague, Netherlands.

Sang-ayon din ang Bise Presidente na dapat i-reinvest ang pondo ng PhilHealth sa health programs.

“Rightly so, because dapat ang pera ng PhilHealth ay binabalik or nire-reinvest balik sa health programs ng ating bansa,” dagdag pa nito.

Kabilang sa desisyon ng korte ang permanenteng pagbabawal sa Kongreso at executive department sa pagpapatupad ng paglilipat ng nalalabing P29.9 bilyon ng P89.9 bilyong fund balance ng PhilHealth.

Noong Setyembre, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat ibalik ang P60 bilyong pondo sa PhilHealth sa pagkuha ng pera mula sa natipid ng ilang ahensya ng pamahalaan, partikular ang Department of Public Works and Highways. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here