MANILA, Philippines – Inaasahang masasampahan na ng reklamo ang dalawang ‘big fish’ sa korapsyon sa flood control projects sa mga susunod na araw, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Disyembre 7.
“Of the big fish, may isa tayong tingin kong hinog na hinog. Papasok na. May isa pang yung PI nadelay nang kaunti, pero malapit na din ‘yun… Marami pa tayong ibang ina-eye na cases kaya within the next few days, maraming ifa-file sa Sandigan at sa RTC. Kagaya ng kahapon, yung kay Discaya,” ani Remulla.
Bagamat hindi tinukoy ni Remulla ang mga opisyal na sangkot, kinumpirma niyang nagpadala siya ng liham kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na pigilan ang senador na makaalis ng bansa.
Bilang tugon, sinabi ni Sotto na wala pa siyang natatanggap na liham galing sa Ombudsman. RNT/JGC