Home NATIONWIDE Byahe ng barko sa mga pantalan kanselado pa rin sa bagyong WilmaNATIONWIDETOP STORIES Byahe ng barko sa mga pantalan kanselado pa rin sa bagyong WilmaDecember 7, 2025 11:362910 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Kanselado pa rin ang ilang byahe ng barko sa mga lugar na apektado ng bagyong Wilma, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).Sa maritime safety advisory ng PCG ngayong umaga, umabot pa rin sa 75 pantalan ang suspendido ang biyahe ng lahat ng uri ng sasakyang dagat.Bunsod nito, umabot sa 5,908 pasahero / truck drivers / cargo helpers ang nananatiling stranded.Stranded din ang 2,019 rolling cargoes, 108 vessels at 38 pang motorbancas.Habang nakikisilong naman sa ibang pantalan o ligtas na lugar ang nasa 123 vessels at 126 motorbancas. Jocelyn Tabangcura-Domenden