Home METRO Rider sugatan sa 10-wheeler truck

Rider sugatan sa 10-wheeler truck

344
0

ILOCOS SUR- Isinugod sa ospital ang isang 22-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakasalubong na 10-wheeler truck sa national highway sa Brgy. Casilagan Sur, Banayoyo ng lalawigang ito kahapon.

Ayon sa mga awtoridad, ang driver ng Honda Click 125 motorcycle at ang 33-anyos na lalaking driver ng 10-wheeler dump truck ay parehong residente ng naturang bayan.

Ang dalawang sasakyan ay parehong bumibiyahe sa national highway papunta ng magkabilang direksyon.

Pagdating sa pakurbang parte ng kalsada, ang motorsiklo na mabilis ang takbo ay na-overshoot at nasakop nito ang kabilang lane saka nito nabangga ang left front wheel ng 10-wheeler truck.

Resulta nito, sugatan ang driver ng motorsiklo samantalang hindi naman nasaktan ang driver ng truck. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here