Home NATIONWIDE Guanzon nagpaliwanag sa viral sigawan sa mall

Guanzon nagpaliwanag sa viral sigawan sa mall

417
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng pahayag si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon kaugnay sa viral video na kumalat sa social media nitong Sabado, Disyembre 6, kung saan makikita itong tinatalakan ang isang lalaki sa isang mall sa Makati.

Sa Facebook post, sinabi ni Guanzon na sinabihan umano siya ng isang Chinese national na umalis sa mall nang umubo ito dahil sa makati umano ang kanyang lalamunan.

“Na high blood ako kanina. Ang taas. Medics had to assist me… sabihan ba naman ako ng Chinese na umalis sa Rockwell mall because I am CONTAGIOUS after I coughed once due to an itchy throat. He said ‘you are coughing you should not be in the mall. Leave’,” sinabi ni Guanzon.

“I told him if you are sick or afraid to get sick you should not be in a mall. You have no right to tell me to leave. Kung maka utos parang amo ko sya. Matapobreng hindi naman mayaman. Pangalan nya Chiong,” dagdag pa niya.

Sa naturang video, makikita si Guanzon na tila nagwawala at tinatalakan ang isang lalaki.

“I want you to apologize to me here. If you are sick, you don’t go out to the mall. Why are you here when you’re sick… matapobre! P******** mo, hindi ka nga naka-Rolex. Hindi ka nga naka-Gucci. Ako pa pinili mo,” maririnig na sinasabi ni Guanzon sa video habang dinuduro nito ang lalaki.

Nagsampa umano ng reklamo si Guanzon sa Makati Central Police Station.

Bagamat humingi na ng paumanhin ang asawa ng lalaki ay hindi pa ito ginagawa ng sangkot na Chinese national. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here