UMARANGKADA ang Quezon sa ikalawang half upang talunin ang Biñan, 56-49, at kunin ang South Division crown ng MPBL 2025 sa Quezon Convention Center.
Bagama’t nahirapan sa unang bahagi, kumawala ang Huskers matapos ang third quarter at nagtala ng siyam na sunod na puntos sa final period upang selyuhan ang 3-2 series win at umabante sa National Finals kontra Abra.
Nanguna si LJay Gonzales na nagtala ng 14 puntos, walo rito ay sa huling sampung minuto, para hirangin siyang best player.
Malaking tulong din sina Vince Magbuhos na may 13 puntos at siyam na rebound, at Joshua Yerro na may walo.
Nagawa ng Quezon na malampasan ang pagkawala ni Judel Fuentes dahil sa ankle injury sa Game Four. Samantala, nanguna para sa Biñan si Pamboy Raymundo na may 10 puntos.
Mahigpit ang labanan sa first half kung saan nag-rally ang Biñan, pinangunahan ni Carlo Lastimosa, para lumamang ng 30-25 pagdating ng halftime. Nagpalitan pa ng panalo ang dalawang koponan mula Game One hanggang Game Four.GP