Home HOME BANNER STORY PNP: Undas 2026 generally peaceful sa buong bansa

PNP: Undas 2026 generally peaceful sa buong bansa

1
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Nob. 2, na naging generally peaceful at maayos ang paggunita ng Undas 2026 sa buong bansa.

Ayon sa PNP, nakatulong ang maagang paghahanda, pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya at kooperasyon ng publiko upang maayos na mapangasiwaan ang dami ng mga bumisita sa mga sementeryo at bumiyahe.

Sinabi ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na naging maayos ang Undas dahil sa disiplina ng mga pulis at pakikiisa ng publiko.

“Based on reports from the ground, this year’s Undas was generally peaceful and orderly, reflecting the discipline of our personnel and the cooperation of the public,” ani Nartatez.

“Our priority was to ensure people could honor their loved ones safely, and we are encouraged by the results of our collective efforts,” dagdag niya.

Ayon sa PNP, kabuuang 166,365 pulis at force multipliers ang itinalaga sa buong bansa upang magbantay sa mga sementeryo, columbarium, simbahan, pangunahing kalsada, transport hubs, pasyalan at mga checkpoint.

Nanatili rin sa full alert ang kapulisan sa buong Undas upang matiyak ang seguridad, maayos na daloy ng trapiko at pagbibigay ng tulong sa publiko.

Sinabi ni Nartatez na nakatulong ang maagang pagpaplano at paglalagay ng mga pulis sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.

Nagpasalamat din ang PNP chief sa mga pulis na nagtrabaho sa panahon ng holiday sa halip na makasama ang kanilang pamilya.

“To every police officer who stood on duty while others were with their families, I extend my deepest gratitude,” aniya. “Your sacrifice reflects the highest meaning of public service and the trust that the Filipino people place in the PNP.”

Kinilala rin niya ang ambag ng mga katuwang na ahensya ng pamahalaan at force multipliers sa pagsasagawa ng nationwide security operations. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here