Home TOP STORIES Mayor pinagbabaril sa Christmas parade sa Guatemala

Mayor pinagbabaril sa Christmas parade sa Guatemala

256
0

GUATEMALA – Patay ang isang alkalde sa Guatema habang nakikilahok siya sa isang Christmas parade, at nasugatan din ang isa sa kanyang mga bodyguard nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan, ayon sa mga opisyal.

Kinilala ang biktimang si Nelson Marroquin, 38 anyos, na binaril noong Sabado sa bayan ng Obero, na nasa humigit-kumulang 70 kilometro silangan ng Guatemala City, ayon sa National Association of Municipalities.

Kinondena ni President Bernardo Arevalo ang pagpatay at nag-utos ng imbestigasyon.

Tulad ng ibang bansa sa Central America, matindi ang problema ng Guatemala sa gang violence. Ayon sa National Economic Research Center, ang homicide rate ng bansa ay 17.7 sa bawat 100,000 katao, doble ng global average.

Noong Oktubre, tumakas ang 20 miyembro ng kilalang Barrio 18 gang mula sa kulungan, na nagdulot ng pinakamalaking krisis sa administrasyon ni Arevalo mula nang maupo siya noong Enero 2024. Hanggang ngayon, apat pa lamang sa mga tumakas ang nahuhuli.

Inanunsyo rin ng pamahalaan ng Guatemala na magpapadala ang Estados Unidos ng isang FBI team upang tumulong sa paghuli ng mga miyembro ng gang.

Matapos ang pagtakas, pinalitan ni Arevalo ang kanyang interior minister.

Ang Barrio 18 ay itinuturing na “foreign terrorist organization” ng Estados Unidos. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here