Home LOTTO RESULT Walang nanalo sa Superlotto 6/49, Ultra Lotto 6/58 draw ng PCSO, Linggo...

Walang nanalo sa Superlotto 6/49, Ultra Lotto 6/58 draw ng PCSO, Linggo Disyembre 7, 2025

648
0

MANILA, Philippines – Walang pinalad na manalo sa dalawang major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Linggo ng gabi, Disyembre 7.

Walang nakahula ng tamang kombinasyon na 48-43-36-10-26-44 para sa Superlotto 6/49, na may jackpot na ₱39,517,070.40.

Wala ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58, matapos na walang tumama sa kombinasyong 39-34-49-56-14-33, kung saan ang jackpot ay ₱49,500,000.00.

Ang Superlotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang ang Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here