Home NATIONWIDE Harry Roque humiling sa Interpol na tanggihan red notice ng Pilipinas

Harry Roque humiling sa Interpol na tanggihan red notice ng Pilipinas

301
0

MANILA, Philippines – Humiling si dating presidential spokesperson Harry Roque noong Linggo sa Interpol na huwag ilabas ang red notice laban sa kanya, at iginiit na siya ay “protected bona fide asylum seeker” sa ilalim ng batas ng Netherlands at European Union.

Ayon kay Roque, ang kaso ng qualified human trafficking laban sa kanya ay bahagi lamang ng political retaliation laban sa mga kaalyado ng pamilya Duterte at kritiko ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, ang kahilingan ng gobyerno para sa red notice ay lumalabag sa Interpol Constitution, partikular sa Article 2 at Article 3 na nagbabawal sa pakikialam sa mga kasong “predominantly political in character.”

Dahil dito, nagsumite si Roque ng pormal na opposition sa Commission for the Control of Interpol’s Files para tanggihan ang kahilingan ng Pilipinas.

Kasama siya sa ilang akusado, kabilang si Cassandra Ong, na may warrant of arrest kaugnay sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, dahil sa umano’y koneksyon sa operasyon ng Philippine offshore gaming operator (POGO) at scam hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ayon sa DOJ, hindi lamang abogado si Roque para sa Whirlwind Corporation, kundi nagsilbi rin siyang representative ng POGO sa nasabing operasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here