Home NATIONWIDE Alegasyon ng payola sa naka-umang na transport strike, pinaiimbestigahan ng DOTr sa...

Alegasyon ng payola sa naka-umang na transport strike, pinaiimbestigahan ng DOTr sa LTO

289
0

MANILA, Philippines – Iniutos ng Department of Transportation (DOTr) sa Land Transportation Office (LTO) ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng payola o bribery sa ahensya, ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez noong Linggo.

Ang direktiba ay kasunod ng nakatakdang nationwide transport strike mula MANIBELA mula Disyembre 9 hanggang 11, bilang protesta sa sinasabing mabagal na processing ng dokumento at sobrang penalties.

Ani Lopez, pinayuhan niya si Asec. Lacanilao na prayoridad ang mga kawani na may alegasyon at kung may sapat na ebidensya, agad silang tanggalin sa serbisyo.

“Tuesday, aasahan ko ang kanyang mga rekomendasyon. Sabi ko, iprayoridad ‘yung mga kawani na may alegasyon na ganito. Kung may ebidensiya, tanggalin agad,” dagdag niya.

Pinayuhan din ni Lopez na walang problema sa pagrerehistro ng mga traditional PUJ basta ito ay roadworthy, at nanawagan sa MANIBELA na makipag-dialogo para hindi maapektuhan ang maraming commuters.

Kasabay nito, ang DOTr at iba pang ahensya ay nagmama-map ng mga ruta na posibleng maapektuhan ng strike at maghahanda ng libreng sakay para sa mga pasahero. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here