Home METRO 17 dayuhan arestado sa Pogo hub sa Taguig

17 dayuhan arestado sa Pogo hub sa Taguig

264
0

TAGUIG, Philippines – Inaresto ng PNP-CIDG ang 17 dayuhan sa isa umanong ilegal Pogo hub sa Upper McKinley hill, Taguig City.

Ang operasyon ay nagsimula bilang manhunt laban kay “Chao,” isang Chinese national na wanted sa kasong stafa.

Habang inaaresto si Chao, natuklasan ng mga pulis ang aktibong operasyon ng Pogo hub na nagpanggap bilang IT solutions at BPO company.

Sa mga naaresto, may 12 Chinese, 4 Malaysian, at 1 Vietnamese, habang 83 Pilipino na empleyado ng kumpanya ay itinuring na biktima at magsisilbing saksi laban sa illegal online gambling.

Batay sa imbestigasyon, ang nasabing kumpanya ay hindi rehistrado o awtorisado ng PAGCOR, kaya ilegal ang kanilang operasyon.

Ang mga naarestong dayuhan ay kinasuhan sa ilalim ng Presidential Decree No. 1602 (Stiffer Penalties on Illegal Gambling), Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act), at Republic Act No. 11934 (SIM Registration Act).

Ang kaso ay isinumite sa National Prosecution Service. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here