ANTIPOLO CITY, Philippines – Isang 73-anyos na babae ang namatay sa isang sunog na sumiklab sa residential area sa Antipolo City noong Linggo ng gabi, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa ulat, ang biktima na nakaratay sa kama ay hindi nakaligtas sa apoy sa Sitio Bulao, Barangay Munting Dilaw.
Sinubukan ng kanyang anak na iligtas siya, ngunit hindi ito nagtagumpay dahil sa malalaking apoy.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa second alarm ang sunog sa Barangay Munting Dilaw at tuluyang naapula bandang 1:38 a.m. ng Lunes. RNT/MND