Home METRO Pasyente sa ICU, todas, 17 nasagip sa sunog sa hospital sa Pulilan

Pasyente sa ICU, todas, 17 nasagip sa sunog sa hospital sa Pulilan

320
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang pasyente matapos umanong masunog ang bahagi ng ospital sa bayan ng Pulilan nitong madaling araw ng Disyembre 8.

Sa report, umabot sa ikatlong alarma ang nasabing sunog sa isang pribadong ospital sa Brgy. Lungos, pasado ala-1 ng madaling araw.

Ayon sa report, namatay ang nasabing pasyente mula sa ICU dahil sa matinding usok na bumalot sa loob ng ospital.

Dahil dito, naging pahirapan din ang pagrescue ng mga rumespondeng rescue team at bumbero sa 17 pang pasyente.

Sinasabing nagsimula umano ang sunog sa isang refrigerator mula sa imbakan ng gamot ng ospital na naapula rin kalaunan, ayon na rin sa report ng Bureau of Fire Protection. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here