Home NATIONWIDE 30 bagong motorcycle patrol units, ipinagkaloob sa Caloocan City Police Stations 

30 bagong motorcycle patrol units, ipinagkaloob sa Caloocan City Police Stations 

252
0

CALOOCAN CITY, Philippines – Pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng kabuuang 30 bagong motorcycle patrol units ang Caloocan City Police Station (CCPs) bilang bahagi ng patuloy nitong inisyatiba upang tulungan ang lokal na puwersa ng pulisya sa mabilis na pagtugon sa mga emerhensiya at pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.

Nauna rito, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng tatlong bagong espesyal na saksakyan sa Special Weapons and Tactics (SWAT) Team ng CCPS.

Kinilala ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na ngayon higit kailanman, ang pakikipagtulungan sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng CCPS ay dapat palakasin at ipinahayag din niya ang kanyang pangako na patuloy na i-upgrade ang mga kakayahan ng nasabing puwersa ng pulisya.

“Dulot ng mga pangyayari nitong nakaraan, hindi natin hahayaan ang mga masasamang loob na takutin ang ating mga kababayan kaya naman mas palalakasin natin ang ugnayan ng pamahalaang lungsod at ng kapulisan upang matiyak natin ang kaligtasan ng mga mamamayan,” ani Mayor Along.

“Sa buong kapulisan ng Caloocan, tulad ng mga ipinangako ko noong nakaraan, asahan ninyo na ang suporta ng ating administrasyon, ngunit ang hiling ko, magtuloy-tuloy ang inyong mahusay at epektibong pagkilos para mapanatiling payapa ang ating mga komunidad para sa mga Batang Kankaloo,” dagdag niya. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here