Home METRO Driver nasagip sa trak na nahulog sa bangin sa Cebu

Driver nasagip sa trak na nahulog sa bangin sa Cebu

295
0

CEBU, Philippines – Nakatulong ang ilang maliit na puno upang mailigtas ang driver at truck helper ng isang 10-wheeler truck na nahulog sa 30-foot na bangin sa national highway ng Barangay Calumpang, Oslob, Cebu noong hapon ng Linggo, Disyembre 7, 2025.

Ayon sa ulat, si Noel Donday, ang driver na nasa legal na edad, at ang kanyang helper ay hindi nasaktan. Nakalabas sila nang ligtas sa truck matapos itong mahulog.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, puno ang truck ng junk food na may bigat na 1,500 kilo. Nasira ang truck sa Barangay Gawe, kaya pina-tow ito ng ibang truck para makarating sa mekaniko.

Ngunit habang dumaraan sa isang kurba sa kalsada, nawalan ng kontrol ang driver ng tinutowing truck, kaya nahulog ito sa bangin sa gilid ng daan.

Tinukoy ng awtoridad na ang bangin ay may lalim na 30 talampakan. Nakatulong ang mga maliit na puno na nasa 10 talampakan pababa upang pigilan ang tuluyang pagbagsak ng truck, kaya nailigtas ang dalawang sakay.

Ang Oslob ay isang bayan sa lalawigan ng Cebu, 116 kilometro timog ng Cebu City. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here