Home NATIONWIDE Kanselasyon, suspensyon ng operasyon sa lahat ng shipping, fishing companies, inalis na...

Kanselasyon, suspensyon ng operasyon sa lahat ng shipping, fishing companies, inalis na ng PCG

231
0

MANILA, Philippines – Balik normal na ang operasyon ng lahat ng shipping at fishing companies sa mga baybayin at lugar na apektado ng bagyong Wilma.

Sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas 12 ng tanghali ngayong Disyembre 8 ay wala nang stranded na naitala o naiulat sa mga pantalan sa bansa.

Nangangahulogan na lahat ng mga pasahero na stranded pa kaninang umaga ay pinayagan nang makabiyahe.

Kasama rito ang mga rolling carhoes, vessels at motorbancas sa lahat ng panatalan sa buong bansa.

Sa naunang ulat mula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 4 ng umaga, iniulat ng PCG na mayroon pang kabuuang 3,448 na mga pasahero na apektado o hindi pa pinayagang magtuloy sa kanilang biyahe.

Gayunman, bandang alas 12 ngayong tanghali ay nag-abiso ang PCG na inalis na ang kanselasyon o suspensyon sa mga sasakyang dagat sa mga lugar na apektado ng bagyong Wilma. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here