Home HOME BANNER STORY LPA malapit sa Palawan, may mababang tsansang pumasok sa PAR, maging bagyo

LPA malapit sa Palawan, may mababang tsansang pumasok sa PAR, maging bagyo

1
0

MANILA, Philippines – Mababa ang posibilidad na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) o maging bagyo sa susunod na tatlong araw ang isang low-pressure area (LPA) na namataan malapit sa Palawan, ayon sa PAGASA nitong Huwebes, Nobyembre 26.

Ayon sa PAGASA, namataan ang LPA 11b may 455 kilometro sa timog-kanluran ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan, dakong alas-8 ng umaga. Kumikilos ito pakanluran at palayo sa bansa.

“Kumikilos ito, pa-kanluran, palayo sa ating bansa. Kaya mababa ang chance na pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility. Sa susunod na tatlong araw ay mababa ang chance na maging bagyo itong low-pressure area,” ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.

Samantala, nagdulot ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang shear line at northeast monsoon o amihan sa Cagayan, Batanes at Palawan.

Ayon kay Aurelio, hindi na makaaapekto sa bansa ang dalawang weather system sa Biyernes, Nobyembre 27, dahil easterlies na ang mangingibabaw sa kapuluan.

Inaasahan ang pangkalahatang maayos na panahon sa bansa, na may bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, bagaman posible pa rin ang isolated rain showers o thunderstorms.

Itinaas na rin ng PAGASA ang gale warning dahil humina na ang epekto ng amihan.

Gayunman, pinayuhan ni Aurelio ang mga maglalayag, partikular sa extreme Northern Luzon, na mag-ingat dahil maaaring umabot sa halos apat na metro ang taas ng mga alon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here