Home NATIONWIDE Contractor pinapanagot ng MMDA sa matinding trapiko sa EDSA-Annapolis

Contractor pinapanagot ng MMDA sa matinding trapiko sa EDSA-Annapolis

2
0

MANILA, Philippines – Nakikipagtulungan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang panagutin ang contractor na Readycon Trading and Construction Corp. sa matinding trapikong idinulot nito sa bahagi ng EDSA-Annapolis noong Nobyembre 20.

Ayon sa MMDA, inilipat umano ng Readycon ang mga barrier nang walang pahintulot at paunang abiso, na naging sanhi ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.

Agad namang inayos at inilipat ng MMDA sa tamang puwesto ang mga barrier upang maibalik ang maayos na daloy ng trapiko sa EDSA.

Naglabas din ang ahensya ng work stoppage order laban sa contractor at pinagmulta ito ng P50,000 dahil sa mga paglabag sa mga patakaran hinggil sa excavation clearance, paglikha ng sagabal sa kalsada at pagsasagawa ng roadworks sa labas ng itinakdang iskedyul. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here