MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kahandaan ang Team Philippine matapos dumating sa Thailand para sa pagsabak sa 33rd Southeast Asian Games (SEA Games).
Ayon sa ulat, ilang atleta at coaches na ang dumating noong nakaraang linggo sa Thailand para lumahok sa SEA Games at nitong Linggo ay nakaalis naman ang mga opisyal ng National Sports Associations (NSA), Philippine Sports Commission (PSC), at Philippine Olympic Committee.
Magsisimula ang torneo ngayong Disyembre Disyembre 9 hanggang 20.
Matatandaang noong Biyernes ay nagsimula na ang group stage games ng men’s and women’s footbal team.
Tinalo ng mens’ football team ang Myanmar 2-0 habang bigo naman ang women’s football team sa Myanmar 2-1.
Nagpasikat din ang men’s baseball team at tinalo ang Indonesia 14-0.
Magsisibilng flag bearers ng PH team sa opening ng SEA Games sina tennis star Alex Eala at Men’s Volleyball star Bryan Bagunas.JC/GP