Home SPORTS Brazil kampeon sa FIFA Futsal Women’s World Cup

Brazil kampeon sa FIFA Futsal Women’s World Cup

262
0

MANILA, Philippines – Itinanghal ang Brazil bilang kauna-unahang kampeon sa FIFA Futsal Women’s World Cup matapos talunin ang Portugal, 3-0, sa finals na ginanap sa Philsports Arena nitong Linggo.

Mula sa simula ay ipinakita ng world No. 1 ang kanilang tikas at bilis sa court.

Si Emilly Micaela Marcondes ang nagbukas ng scoring sa ika-9 na minuto, bago sinundan nina Amandinha at Debora Vanin ang paggawa ng dalawang goal sa ika-19 at ika-37 minuto upang tuluyang selyuhan ang panalo.

Muli namang pinatunayan ni Emilly ang kanyang husay sa pagkuha ng Golden Shoe at Golden Ball matapos maka-pitong goals ngayong torneo.

Hindi na sorpresa ang paghahari ng Brazil sa inaugural World Cup na sinuportahan ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Sa eliminations pa lamang ay nanguna na ito sa Group D sa pamamagitan ng kabuuang 17-goal difference.

Tinalo rin ng Brazil ang Japan, 6-1, sa quarterfinals at pagkatapos ay pinabagsak ang Spain, 4-1, sa semifinals upang makapasok sa championship match kontra Portugal.

Samantala, nasungkit ng Spain ang third place matapos talunin ang Argentina, 5-1, upang kumpletuhin ang podium finish. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here