MANILA, Philippines – Umabot na sa mahigit 800,000 ang bilang ng aplikante na nagparehistro para sa Barangay at Sangginiang Kabataan elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa ibinahaging datos ng Comelec, magpakita na noong Disyembre 7 kabuuang 877,422 indibidwal ang nakapagparehistro para makaboto sa 2026 BSKE.
Sa bilang na ito, 199,037 ay para sa Sangguniang Kabataan (SK) o iyong 15 taong gulang hanggang 17 taong gulang, habang 678,385 ay regular na botante o nasa edad 18 taong gulang pataas.
Ang bagong rehistrasyon para sa SK voting ay umabot sa 195,154, batay sa datos ng Comelec.
May kabuuang 880 aplikante ang humiling na ilipat mula sa ibang lungsod o munisipalidad at 265 ang humiling na ilipat sa loob ng parehong lungsod o munisipalidad.
Para sa mga regular na botante, ang mga bagong aplikasyon para sa pagpaparehistro ay nasa 240,743 at ang mga aplikasyon para sa muling pagsasaaktibo ay nasa 35,433.
Halos dalawang buwan na ang nakalipas mula nang ipagpatuloy ng Comelec ang nationwide voter registration para sa 2026 BSKE noong Oktubre 20, 2025.
Ito ay tatakbo hanggang Mayo 18, 2026. Gayunpaman, naunang inanunsyo ng poll body na exempted sa voter registration period ang mga lugar sa Bangsamoro kaugnay ng suspensiyon ng kauna-unahang pagkakataon.
Nauna nang sinabi ng Comelec na target nitong makapagrehistro ng 1.4 milyong bagong botante para sa 2026 BSKE sa buong buwan na pagpaparehistro sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden