Home HOME BANNER STORY Arrest warrant vs Sarah Discaya, ilalabas ngayong linggo – PBBM

Arrest warrant vs Sarah Discaya, ilalabas ngayong linggo – PBBM

281
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos na inaasahang ilalabas ngayong linggo ang warrant of arrest para sa kontraktor na si Sarah Discaya, at “hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.”

Walo ring tauhan ng Department of Public Works and Highways sa Davao Occidental ang nagpahayag ng kanilang intensyon na sumuko sa National Bureau of Investigation kaugnay ng anomalya sa flood control projects.

Haharapin ni Discaya, asawa ng negosyanteng si Pacifico “Curlee” Discaya, at siyam pang iba ang kaso sa umano’y malversation ng pondo ng bayan at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay ng P96.5-milyong ghost flood control project sa Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Sinabi ni Marcos na inutusan niya ang Department of the Interior and Local Government na tuntunin ang kinaroroonan ni Discaya at ng iba pang akusado.

Noong nakaraang linggo, binawi ng Securities and Exchange Commission ang corporate registration ng St. Gerrard Construction at mga kumpanya ni Discaya dahil sa pag-submit ng maling impormasyon sa beneficial ownership.

“Magpapatuloy ang imbestigasyon. Magpapatuloy ang pagpapanagot. At sisiguraduhin ng pamahalaan na ang pera ng bayan ay maibabalik sa taumbayan,” ani Marcos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here