Home HOME BANNER STORY Baboy galing Taiwan, ban sa Pinas vs ASF

Baboy galing Taiwan, ban sa Pinas vs ASF

247
0

MANILA, Philippines – Nagpataw ang Pilipinas ng pansamantalang pagbabawal sa pag-aangkat ng mga live pigs, karne ng baboy, balat ng baboy, at iba pang pork products mula Taiwan matapos makumpirma ang outbreak ng African swine fever (ASF) doon.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kinakailangan ang hakbang upang maprotektahan ang multibilyong pisong industriya ng baboy sa bansa at matiyak ang seguridad sa pagkain.

Kasama sa pagbabawal ang semen para sa artificial insemination, at ito ay epektibo agad hanggang sa opisyal na alisin.

Iniulat ng Taiwan sa World Organization for Animal Health noong Oktubre 25 ang outbreak, at nakumpirma ito sa pamamagitan ng laboratory tests.

Ayon sa kautusan ng DA, awtomatikong binawi ang mga naunang import clearance mula Taiwan, suspendido ang bagong aplikasyon, at inutusan ang mga quarantine officer na harangin ang anumang ipinagbabawal na kargamento.

Layunin ng hakbang na maiwasan ang pagpasok ng bagong ASF strain sa Pilipinas, mapatatag ang produksyon ng baboy, at maprotektahan ang mga prodyuser at konsumer. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here