Home HOME BANNER STORY Pinoys na nasa Thai-Cambodian border, pinag-iingat sa sigalot

Pinoys na nasa Thai-Cambodian border, pinag-iingat sa sigalot

188
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine Embassy sa Thailand sa mga Pilipinong nakatira malapit sa Thai-Cambodian border na mag-ingat matapos ang panibagong sagupaan sa nasabing lugar.

Sa inilabas na abiso, hiniling ng Embahada na ang mga Pilipino sa Ubon Ratchathani, Si Sa Ket, Surin, Sa Kaeo, Buri Ram, Chanthaburi, at Trat ay mahigpit na sumunod sa mga utos ng lokal na awtoridad at maging handa sakaling kailanganing lumikas.

Pinaalalahanan din ang mga residente na unahin ang kaligtasan, manatiling alerto, ipaalam sa Embahada ang kanilang lokasyon, at bantayan ang opisyal na anunsyo para sa mga update.

Pinayuhan din ng Embahada na iwasan muna ang pagbiyahe sa mga apektadong probinsya.

Nagbigay din ito ng mga emergency hotline gaya ng (+66) 81 989 7116, LINE: @bangkokpe.consular, [email protected], at (+66) 83 137 6167, para sa tulong o gabay. Hinimok din nito ang mga Pilipino sa border areas na punan ang online survey para sa mas maayos na koordinasyon.

“The Embassy stands ready to assist all Filipinos in need,” ayon sa Embahada. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here