MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. , araw ng Miyerkules na hindi niya titintahan ang inisyatibong Pax Silica sa panahon ng pagbisita ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos sa Pilipinas.
“No, not on this trip. We are not covering that on this trip,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.
“There will be no signing. There is no signing,” ang sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines Lee Lipton sa mga mamamahayag.
Wala namang karagdagang detalye na available sa ngayon.
Naganap ang anunsyo kasunod ng ilang araw na mga kilos-protesta sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations Summit sa Maynila, nanawagan ang mga magsasaka, estudyante, katutubo at mga grupong sibiko at panlipunan sa pamahalaan ng Pilipinas na muling pag-isipa ang nasabing kasunduan.
Kabilang sa mga alalahaning inilahad ang posibleng panghihimasok sa mga lupang ninuno, ang sapilitang pagpapaalis sa ilang katutubo mula sa kanilang mga komunidad, at ang posibleng kakulangan sa suplay ng kuryente at tubig sa mga pamayanang malapit sa sentro ng teknolohiya na iniulat na paglalagyan ng mga data center para sa artificial intelligence (AI).
Itinanggi naman ng gobyerno ng Pilipinas ang mga alegasyong ito kaugnay ng panukalang proyektong nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso sa Tarlac.
Gayunpaman, nananatiling nag-aalala at nagdududa ang ilang grupo tungkol sa nasabing kasunduan.
Ayon kay Bagong Alyansang Makabayan President Renato Reyes Jr., maaari nang makahinga nang maluwag ang mga tumututol sa Pax Silica.
“This does not mean the agreement won’t be signed in the near future,” anito.
Winika pa rin nito na ang “the biggest victory” ng kampanya laban sa Pax Silica ay ang high awareness on social issues” na nagbunsod nito.
“We claim as our undeniable victory the massive nationwide discussions and direct actions on the issues of sovereignty, development, the environment and indigenous rights,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)