MANILA, Philippines – Iniutos ni Philippine National Police acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Gerry Campos, isang broadcaster na naging municipal councilor sa Surigao del Sur.
Pinatay si Campos noong Sabado malapit sa isang gasoline station sa Barangay Sta. Cruz, Marihatag.
Nahuli ang 42-taong-gulang na suspek kinabukasan, ngunit iniimbestigahan pa rin ang motibo at posibleng iba pang sangkot.
“Kinokondena ng PNP ang pag-atakeng ito. Tinitiyak namin sa pamilya at kaibigan ni Gerry Campos na sisiyasatin namin ang kaso upang matukoy ang motibo at papanagutin ang mga nasa likod ng walang saysay na pagpatay na ito,” ani Nartatez.
Binigyang-diin ng PNP ang proteksyon sa mga residente at mamamahayag at nanawagan sa publiko na magbigay ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon. Santi Celario