Home METRO Senior, pisak sa pisonMETRONATIONWIDETOP STORIES Senior, pisak sa pisonDecember 9, 2025 10:522400 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Tantangan, South Cotabato – Isang 70-anyos na babae ang nasawi matapos siyang magulungan ng pison na umatras habang pauwi galing sa simbahan.Batay sa imbestigasyon, tumawid ang biktima sa bahagi ng kalsada sa Barangay News Cuyapo na may kinukumpuni nang maanod siya ng pison.Idinahilan ng operator ng pison na hindi niya napansin ang biktima, at wala ring ibang nakakita sa babae para masenyasan ang driver.Ang operator ng pison ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad, habang wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima. RNT