Taguig City – Isang motorcycle rider ang binaril ng dalawang armadong lalaki sa isang ambush sa Barangay Bambang nitong weekend.
Nakuhanan pa ng CCTV footage ang insidente na naganap bandang alas-9 ng gabi sa isang makipot na alley.
Pagkatapos pagbabarilin, bumulagta ang biktima sa lupa at muling pinaputukan ng isa sa mga salarin.
Dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, ngunit idineklara siyang dead on arrival.
Sa imbestigasyon, naaresto ang dalawang lalaki na kaibigan ng biktima.
Nalaman ng Scene of the Crime Operation (SOCO) team na ang nawawalang bag at baril ng biktima ay nasa kanilang pag-aari. Ayon sa dalawa, balak nilang isauli ang mga gamit sa mga opisyal ng barangay ngunit naaresto na sila bago maisagawa ito.
Maaaring maharap sa kaso ng obstruction of justice ang dalawa.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon para tukuyin ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga gunman. Dave Baluyot