Home METRO 14-anyos binaril sa ulo habang naglalakad sa DavOcc

14-anyos binaril sa ulo habang naglalakad sa DavOcc

280
0

Davao Occidental – Isang 14-anyos na Grade 7 na estudyante ang nasawi matapos barilin sa ulo ng isang salarin na sakay ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Barangay Malita nitong weekend.

Ayon sa imbestigasyon, wala namang kakaibang kilos ang binatilyo habang naglalakad nang lapitan ng salarin at barilin sa ulo. Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa krimen.

Wala pang karagdagang detalye tungkol sa posibleng pagkakakilanlan o dahilan ng pamamaril sa kasalukuyan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here