Home METRO Tatay, 6-anyos na anak utas sa ratrat sa Batangas

Tatay, 6-anyos na anak utas sa ratrat sa Batangas

247
0

Nasugbu, Batangas – Isang ama at ang kaniyang anim na taong gulang na anak na babae ang nasawi habang isa pang kasapi ng pamilya ay sugatan sa isang brutal na pamamaril nitong Linggo ng gabi sa Sitio Buhay, Barangay Butucan, ayon sa ulat ng Batangas Police Provincial Office.

Batay sa paunang imbestigasyon, pauwi na ang pamilya sakay ng kanilang tricycle nang biglang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin, na tinamaan ang tatlo sa apat na sakay.

Ayon kay PLt. Col. Aleli Buaquen, namatay ang ama sa mismong lugar, habang ang batang babae ay dinala sa ospital ngunit hindi na nailigtas. Ang 17-anyos na lalaki ay kasalukuyang ginagamot sa ospital, samantalang ang isang pito-anyos na bata ay ligtas.

Narekober ng mga awtoridad ang mga basyo ng .45 caliber at M16, na nagpapakita ng paggamit ng high-powered firearms at malinaw na layuning pumatay.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo at mahuli ang salarin.

Ayon kay Buaquen, 87 personnel mula sa PMFC, mobile group, RMFB, at iba pang yunit ng Batangas PNP ang kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt.

Hinimok ng pulisya ang publiko na magbigay ng impormasyon sa Nasugbu Municipal Police Station para sa ikalalapit ng imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here