Home TOP STORIES P1.1B flood control project na nakopo ng isang kompanya sa CamNor, sisilipin

P1.1B flood control project na nakopo ng isang kompanya sa CamNor, sisilipin

231
0

Camarines Norte — Lumalabas sa isang paunang ulat ng imbestigasyon na pumangalawa ang Brentmin Roofing Enterprise sa mga nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa lalawigan mula 2022 hanggang 2024.

Batay sa nakalap na impormasyon, nakakuha umano ang kumpanya ng humigit-kumulang 22 proyekto sa naturang panahon na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.1 bilyon.

Mayroon din umano itong mga proyekto bago ang 2021, kabilang ang ilang farm-to-market road contracts, ayon sa parehong dokumento.

Ayon sa source ng ulat, hindi umano lumabas sa ilang report ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Camarines Norte sa national office ang kabuuang talaan ng proyekto ng kumpanya dahil wala pa umano rito ang mula sa 2016 hanggang 2021. Wala pang opisyal na pahayag ang DPWH hinggil dito sa oras ng pagsulat.

Sa kabilang banda, nangunguna ang EUS Construction sa kompanyang nakakuha ng pinakamaraming proyekto.

Dahil dito, ilang grupo ang nanawagan ng masusing pagrebisa sa proseso ng pag-award ng kontrata, lalo na’t ang rehiyon ng Bicol ay madalas tamaan ng bagyo at pagbaha.

Samantala, posible umanong isailalim sa pagsusuri ng Independent Commission for Infrastructure ang mga proyekto ng Brentmin Roofing Enterprise bilang bahagi ng regular na audit ng pamahalaan sa mga kontratang pang-imprastraktura.

Nilinaw ng isang opisyal na ang pagsusuri ay “hindi indikasyon ng anumang paglabag,” kundi bahagi ng normal na proseso para sa transparency.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang Brentmin Roofing Enterprise kaugnay ng mga ulat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here