Home NATIONWIDE ‘Indecent proposal’ rumors ni Raffy Tulfo, tinawanan lang ni Ramon

‘Indecent proposal’ rumors ni Raffy Tulfo, tinawanan lang ni Ramon

344
0

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Ramon Tulfo ang panig ng kanyang kapatid, Sen. Raffy Tulfo, laban sa mga haka-haka na siya ang senador na tinutukoy ni Vivamax star Chelsea Ylore, na diumano’y nakatanggap ng indecent proposal na nag-aalok ng P250,000 para sa isang gabi.

“Natatawa ako sa balitang kumakalat… na isang senador ay nag-offer ng indecent proposal sa isang artista (kuno) ng 250K para bembangin ito. May mga haka-haka na ang kapatid kong si Raffy ang tinutukoy,” isinulat ni Ramon sa Facebook.

Dagdag niya, “Hindi ako makapaniwala sa balita dahil takusa (takot sa asawa) ang kapatid ko kay Jocelyn. Pero pagpalagay na natin na totoo: Eh, ano ngayon kung nambabae siya?”

Binigyang-diin ni Ramon na ang pagiging mapagbigay ni Raffy ay mula sa sariling yaman.

“Bago pa man naging senador si Raffy at congresswoman si Jocelyn ay mayaman na silang mag-asawa.

In fact, ang kanilang combined Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SAL-N) ay ₱1 billion,” isinulat niya.

Sa pagtatapos ng kanyang post, biro ni Ramon na mas malamang siya ang gumawa ng indecent proposal kaysa sa kanyang kapatid. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here