MANILA, Philippines – Isasapubliko ng Department of Justice (DOJ) ang arrest warrant laban kay Senator Bato Dela Rosa kung sakaling sa kagawaran ipadadala ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Atty. Polo Martinez sa isang panayam na walang sikreto dito.
Aniya tungkulin nilang sabihin na may warrant of arrest kapag nandiyan na at palagay na sa kanila ito mai-transmit.
Ayon sa batas at international law, kailangan aniyang ipatupad ang anumang warrant.
Pag-aaralan pa rin aniya ng DOJ kung paano ito i-implement lalo’t may nakabinbing petisyon si Dela Rosa sa Supreme Court.
Sa ngayon, sinabi ni Atty.Martirez na na wala pang impormasyon ang kinaroroonan ng senador dahil hindi naman aniya pugante o akusado sa ngayon si Senator Bato.
Paliwanag pa niya, wala silang mandato paraa arestuhin o hanapin ang senador.
“Hangga’t wala kaming nakikitang ICC warrant at hindi nakikipag-ugnayan sa amin ang Interpol o ICC, wala pa kaming ginagawa. Wala kaming enforcement na tinutupad,” paliwanag ni Atty.Martirez. Jocelyn Tabangcura-Domenden