Ipinahayag ni 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel “Natz” Oducado ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong suportahan at padaliin ang proseso ng deliberasyon sa Anti-Dynasty Bill na inihain sa Mababang Kapulungan.
Ayon kay Rep. Oducado, ang hakbang ng Pangulo ay nagpapakita ng malinaw na intensiyon ng administrasyon na palakasin ang demokratikong proseso at tiyaking hindi napupunta sa iilang pamilya ang kapangyarihang pampulitika.
“Malaking bagay ang malinaw na suporta ng Pangulo. Ito ay indikasyon na seryoso ang pamahalaan sa pagsusulong ng reporma para sa mas inklusibong pulitika. Ang Anti-Dynasty Bill ay para sa bayan, hindi para sa sinuman,” pahayag ni Oducado. RNT