Home NATIONWIDE House, Senate pinalawig sesyon ‘gang Dis. 22

House, Senate pinalawig sesyon ‘gang Dis. 22

265
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Malaking Kapulungan nitong Martes ng gabi, Disyembre 9, ang Senate Concurrent Resolution (SCR) No. 7 na nagdaragdag ng isang araw ng sesyon bago ang year-end recess ng Kongreso.

Ang panukala, na inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri, ay nag-aamyenda sa legislative calendar ng unang regular na sesyon ng Ika-20 Kongreso.

Ipinahayag ni House Deputy Speaker Paolo Ortega ang pag-adopt ng resolusyon sa pamamagitan ng voice vote.

Sa pag-apruba ng SCR No. 7, mag-aadjourn ang dalawang kapulungan sa Disyembre 23 sa halip na Disyembre 20, kaya nadagdag ang Lunes, Disyembre 22 bilang karagdagang araw ng sesyon.

Sinabi ng mga mambabatas na nagbibigay ito ng mas maraming oras para tiyaking maayos na mararatipikahan ang P6.793-trilyong General Appropriations Bill (GAB) para sa 2026. Bago ito, nakatakda sana ang huling sesyon sa Disyembre 17.

Ang Kongreso ay nagsasagawa lamang ng plenary sessions tuwing Lunes hanggang Miyerkules, at kailangang mag-adjourn ang parehong kapulungan sa parehong araw.

Magsisimula naman sa Biyernes, Disyembre 12, ang Bicameral Conference Committee hearings para sa 2026 GAB, kung saan pagtutugmain ng mga kinatawan mula sa Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng pambansang badyet. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here