Home NATIONWIDE Walang Pinoy na nadamay sa Thai airstrike sa Cambodia

Walang Pinoy na nadamay sa Thai airstrike sa Cambodia

250
0

MANILA, Philippines – Ligtas ang mga Pilipinong naninirahan sa Cambodia matapos ang air strikes ng Thailand sa dalawang lalawigan sa hangganan noong Lunes, ayon kay Philippine Ambassador to Cambodia Flerida Ann Camille Mayo.

Tinatayang 10,000 Pilipino ang nasa Cambodia, kabilang ang humigit-kumulang 200 malapit sa border, ngunit wala umanong nadamay. “Kami ay may contact sa kanila… Wala naman doon ang mga kababayan natin,” aniya sa isang panayam.

May contingency plan ang embahada sakaling lumala ang bakbakan at pinaalalahanan ng opisyal ang mga Pilipino na umiwas sa mga pasilidad militar sa Preah Vihear at Oddar Meanchey. “Nakahanda lang kami… dapat sinusubaybayan nila ang mga pangyayari… at sundin ang mga payo ng pamahalaan,” aniya.

Nagpakawala ng air strikes ang Thailand kasunod ng panibagong sagupaan sa pinag-aagawang border na ikinasawi ng apat na Cambodian civilians at isang sundalong Thai.

Humigit-kumulang 35,000 ang inilikas sa Thai side, habang nauna nang nagdisplace ng daan-daang libo ang bakbakan nitong taon.

Ayon sa Cambodia, apat ang napatay at mga sampu ang nasugatan, kabilang ang isang mamamahayag.

Sinabi naman ng Thai army na isang sundalo ang napatay at 18 ang nasugatan. Umapela ang European Union at United Nations sa dalawang bansa na magpakita ng maximum restraint. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here