Home NATIONWIDE Assault ship, carrier battle group ng Tsina namataan malapit sa PH EZZ

Assault ship, carrier battle group ng Tsina namataan malapit sa PH EZZ

300
0

MANILA, Philippines – Namataan ng militar ng Pilipinas ang dalawang pangunahing pwersang pandagat ng China malapit sa silangang baybayin ng Luzon at sa labas ng exclusive economic zone ng bansa, ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy, nitong Martes.

Isang grupo ng Chinese amphibious assault ship ang napansin na patungo sa direksyon ng Palau at Australia, habang ang isang carrier battle group ay nabantayan malapit sa hilagang-silangan ng Luzon, malapit sa Okinawa, Japan.

“Ang AFP ay nagmo-monitor ng mga pangyayari ngayon sa regional na antas,” ani Trinidad.

Dagdag niya, kabilang sa carrier battle group ang Liaoning aircraft carrier, dalawang escort ships, at isang replenishment vessel, habang ang amphibious group ay binubuo ng isang amphibious assault ship, dalawang escort, at isang replenishment ship.

Ang mga pwersang ito ay natukoy noong nakaraang weekend at nakaraang linggo kasabay ng pinalawak na maritime domain awareness capability ng AFP, na ngayon ay nakatuon sa regional monitoring bukod sa internal security operations.

“We have now shifted from ISO monitoring without letting go of ISO. We are now expanding our monitoring to include the region,” ani Trinidad. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here