Home NATIONWIDE Walang Pinoy casualty sa M-7.5 killer quake sa Japan

Walang Pinoy casualty sa M-7.5 killer quake sa Japan

350
0

MANILA, Philippines – Walang napaulat na Filipino casualty matapos ang magnitude 7.5 na lindol sa hilagang-silangang bahagi ng Japan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes. Sinabi ng DFA na “closely monitoring” nito ang sitwasyon sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Tokyo.

“At this time, the Embassy has not received any reports of Filipino casualties… to ascertain the condition of our nationals,” pahayag nito.

Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino sa Japan na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng lokal na awtoridad, at maging handa sa posibleng aftershocks.

Tumama ang 7.6-magnitude na lindol malapit sa Misawa noong Lunes at nagdulot ng tsunami warnings, kung saan isang 40-sentimetrong alon ang tumama sa Aomori.

Mahigit 90,000 residente ang inilikas at naglabas ng babala tungkol sa posibilidad ng isa pang malakas na lindol sa mga susunod na araw. Inalis na ang tsunami advisories nitong Martes ng umaga.

Ayon sa DFA, pitong prefecture sa hilagang Japan ang apektado—Hokkaido, Aomori, Iwate, Miyagi, Akita, Yamagata, at Fukushima—kung saan tinatayang 13,000 Pilipino ang naninirahan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here