MANILA, Philippines – Nasawi ang isang security guard matapos siyang barilin ng kapwa guwardiya sa Kawit, Cavite, umano’y dahil sa pambubully.
Nangyari ang insidente habang parehong naka-duty ang dalawa, at sinundan umano ng armado na suspek ang biktima bago ito barilin sa ulo.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit namatay din kalaunan. Naaresto ang suspek, na sinabi sa awtoridad,
“Kaya ko binaril ‘yun, sir, lagi na lang akong minumura, sir. Tapos lagi akong pinapahiya sa mga maraming tao.”
Kakaharapin ng suspek ang kasong murder, habang umiwas muna sa pahayag ang asawa ng biktima. RNT