Home NATIONWIDE Pagsuko ni Discaya ‘di admission of guilt’ – abogado

Pagsuko ni Discaya ‘di admission of guilt’ – abogado

293
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng abogado ni Sarah Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III, na ang pagsuko ni Discaya sa awtoridad ay isang “legal strategy” at hindi pag-amin ng kasalanan.

Ipinaliwanag niya na tanging korte lamang ang makapagtatakda ng guilt, at kusang sumuko si Discaya upang hindi na maghintay ng warrant of arrest kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects sa Davao Occidental.

Sinasampahan ng kaso si Discaya at ang kanyang asawa na si Pacifico, na may-ari ng Alpha at Omega General Contractor & Development Corporation, dahil sa umano’y malversation ng P96.5-milyong pondo para sa proyekto sa Barangay Culaman at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon kay Samaniego, handa na ang mag-asawa sa ganitong legal na sitwasyon mula pa sa simula at binanggit na natapos na ang proyekto sa kabila ng pinsalang dulot ng baha at bagyo. Dagdag pa niya, nakatanggap si Discaya ng mga banta ngunit hindi ito pinansin.

Bagaman nais nilang maging state witnesses, sinabi ng Office of the Ombudsman na wala silang pagkakataon dahil sa umano’y malalim na pagkakasangkot sa anomalya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here