Home NATIONWIDE Bebot na de wine habang nagmamaneho, pinarusahan ng LTO

Bebot na de wine habang nagmamaneho, pinarusahan ng LTO

299
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-araw ang lisensya ng isang babaeng motorista matapos lumabas sa viral video na tila umiinom siya ng alak habang nagmamaneho ng kanyang Mazda MX-5 sports car.

Nag-isyu rin si LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao ng show cause order (SCO) para sa motorista at sa rehistradong may-ari ng sasakyan, upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat pagmultahin sa reckless driving at pagmamaneho habang lasing ayon sa Land Transportation and Traffic Code (RA 4136).

Itatakda ang pagdinig sa December 12, 2025 sa LTO Intelligence and Investigation Division, kung saan kailangan nilang isumite ang orihinal na dokumento ng sasakyan at isang sworn explanation.

Ang Mazda MX-5 ay inilagay sa ilalim ng LTO alarm upang maiwasan ang anumang transaksyon sa sasakyan.

Kapag hindi dumalo o hindi nagsumite ng paliwanag, ituturing na sinukuan nila ang karapatan nilang ipaliwanag, at pagdedesisyunan ng LTO ang kaso base sa ebidensyang hawak nila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here