Manila, Philippines – Nabulabog ang mga netizens nitong December 5 nang matuklasang burado na ang mga posts nina Claudine Barretto at Milano Sanchez sa isa’t isa.
Si Milano—na nakababatang kapatid ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez—ang nabalitang inspirasyon ngayon ng aktres.
Matatandaang may posts silang dalawa sa social media noong November 11, kung saan makikita ang willingness ni Milano na maghintay “no matter how long”, para lang mapasaya si Claudine.
Ngunit, nang i-check ang Instagram nitong December 5, burado na lahat ang kanilang posts at litrato together.
Ang common speculation ng netizens: ang rumored romance nila ay tapos na.
Sa halip, ang makikita sa Instagram ni Claudine ay mga post patungkol sa kanyang ina, si Inday Barretto. Nag-share siya ng photo nila ni Momny Inday noong bata pa siya, habang maririnig ang awitin ng One Direction na “Night Changes” sa background.
Hiling ni Claudine, sana ay mayakap niya ang ina habang umiiyak:
“I wish I could hug you so tight right now, mom. But you can’t be strong for 6 children…”
Kinailangan niyang ipaalala sa sarili na anak siya ni Inday: “that I could be half as strong as you.”
Dagdag pa niya: “No crying for me… no regrets, just lessons learned.”
Ayaw din niyang tawagan ang ina dahil huling beses daw ang pag-iyak na iyon.
“I love you so much and it’s a privilege to be your daughter,” panghuling sabi ng aktres.
Bagama’t ayon sa ilang netizens ay wala naman daw dahilan sa likod ng post, may ilan ang kumbinsidong may kinalaman ito kay “Manolo Sanchez”, tinutukoy si Milano.
Hopeful naman ang ibang netizens na may lalaking karapat-dapat na darating sa buhay ni Claudine.